Tayo’y mga Pinoy … Ipagdiwang ang Buwan ng Wika (Language Month)

Philippine Flag buttonBUWAN NG AGOSTO, IPINAGDIRIWANG NG BANSANG PILIPINAS ang Buwan ng Wika. Dati-rati ito’y tinatawag nating Linggo ng Wika, subalit sa mga nakaraang taon, ang ating pamahalaan ay naglunsad ng proyekto na gawing ito sa buong buwan ng Agosto para ipagdiwang ang ating wikang Filipino (Pilipino). Ako’y mapalad na matuto ng Filipino o sabihin natin, Tagalog (dahil nga wala naman talagang pagkakaiba ang mga ito) sa murang isipan.  Tagalog kasi ang gamit ng ating mga kakababayan sa bahagi ng Luzon at karatig pook nito na isa sa mga salitang lokal (dialect).

Noong bata kasi ako, madalas kaming pumunta sa Maynila kasama ang aking minamahal na Lola! Kaya hindi ako hirap magsulat o magsalita ng Filipino o Tagalog.  Siyempre, may kaunting “accent” o punto ng Bisaya (Hiligaynon) ngunit hindi ako nahihiyang sabihin na galing ako sa lalawigan ng Romblon. Madalas kasi sa paaralan (kolehiyo), paggaling ka sa malayong lalawigan o probinsiya, pinagtatawanan ka dahil nga ang pagbigkas natin sa mga salita ay “matigas”  o kaya ‘yong matigas ay ginagawa nating malambot. Halimbawa,  tulad ng pangalang “Che-che” – bibigkasin nating ng Chi-chi or kaya ganito: ang pogi ni Tonton ay naging ” ang poge ni Tuntun”!

Hindi hadlang  ang pagiging Bisaya para gamitin ko ang Filipino at ipagmalaki na ako ay isang Pinoy. Alam ko, may mga kakababayan tayong madaling  mamintas tungkol sa mga gawain ng kapwa. Magtatanong kayo – kung bakit hindi ko gamit ang wikang ito sa aking pagsusulat sa aking “blog”? Ingles ang gamit ko dahil alam ko na maiintindihan ng ating mga kababayan ang mga salaysayin rito. baler-poster-final-jpg-1

At hindi lamang para sa mamamayang Pilipino kung ako’y nagsusulat, ito rin ay para sa mga banyaga (foreigner).  Sa katunayan,  marami ang mga dayuhang panauhin ng aking blog kung ihahambing sa bilang ng Pinoy sa kadahilanan na marami na rin akong mga kaibigan na nakikila dahil sa ” online social networking”.
At higit sa lahat sa pagiging manunulat ng mga “product review sites” dito sa Inglatera!

NAITANONG NINYO BA SARILI kung paano natin pinahahalagahan ang ating wika? Iisipin ninyo na mabuti pa mag-aral ng Ingles, Espanol, Latino at ano pa.  Minsan, wala tayong panahon para  mabigyan ng kabuluhan ang mag-aral ng ating sariling wika at sapat na sa atin ang halu-halo – “Taglish (Tagalog-English)”.  Sige nga, tingnan natin kung talaga namang magaling kayo at hindi ninyo pa rin nakakalimutan gamitin ang tamang Filipino tugma o hango sa salitang Ingles.

Bilang munting alay ko sa pagdiriwang ng ating Wikang Filipino,  inanyayahan ko kayo na maglaan ng kaunting oras para sagutin ang isang daang salitang Ingles at hulaan ang tugmang sagot o kahulugan nito sa Filipino.

Basahin ng maigi ang “Tagubilin” para malinaw na masagutan ninyo ito sa maikling panahon. Kung gusto ninyong makatanggap ng pabuya o “token” sa akin galing ng Inglatera, ipadala at ilakip ninyo ang “excel file” ng mga sagot na naglalaman ng inyong marka! Siyempre ang markang dapat na makamit ninyo para pumasa ay 75!

Dito natin mapapatunayan na talagang Pinoy tayo – sa isip, sa salita at sa gawa!  PATALINUHAN 2009 . . . Babala: Huwag tingnan ang sagot! Kailangan ninyo pala ng papel at lapis… Kung gusto ninyong malaman ang sagot,  gumawa ng maikling sulat sa ibaba ng salaysayin na ito. Maraming salamat po sa inyong lahat! Mabuhay ang mamamayang Pilipino, mabuhay ang malayang Pilipinas.

Advertisements

~ by reymos on August 23, 2009.

One Response to “Tayo’y mga Pinoy … Ipagdiwang ang Buwan ng Wika (Language Month)”

  1. […] Ako’y nagagalak na taun-taon ang Pilipinas ay nagbibigay pugay sa ating Wikang Pilipino (Filipino) sa tuwing buwan ng Agosto. Ito po ang aking munting handog sa bansang Pilipinas at sa ating mga kababayan sa iba’t-ibang sulok ng mundo. Ang pamagat ay: Tayo’y mga Pinoy…  […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: