A poetic mind: Kapag Nalaman Mo Rin…
KAPAG NALAMAN MO RIN…
Isusumpa mo rin ako
Sa bato, itataga mo
Bawat pagkamuhi’t galit
Na pilit mo’y iwawaglit
At mahirap ikukubli
Pag-ibig, balikan muli.
Tulad din nang mga nauna
Pusong uhaw, pinaasa
Nangako na maging tapat
Subalit ito’y di sapat
Sa pag-ibig ko’y bigay
Sa’yo lamang, tanging alay.